Bakita nga ga maputik?

Alam mo gang may isang lugar sa Batangas na palaging maputik kahit di umuulan? May pagkakataong mas maraming hayop kesa sa tao sa lugar na ito tuwing araw ng Byernes. Ito ay sa Padre Garcia Livestock Auction Market o mas kilalang “Bakahan“. Dito nagaganap ang malawakang bentahan ng mga hayop gaya ng baka, kalabaw, kabayo, manok, kambing, kalapati at ibang hayop.

Ang Padre Garcia ang itinuturing na Cattle Trading Capital of the Philippines. Dito kasi matatagpuan ang pinakamalaking auction market ng mga baka at kalabaw. Hindi pa man sumisilip ang araw ay nagsisimula na ang bentahan at madalas ay bulto o maramihan. Kahit ang mga taga Norte, Cental Luzon, Bicol Region, Romblon at iba pang kalapit na lalawigan ay dumadayo sa Padre Garcia para magbenta at bumili ng hayop. Maging ang mga kilalang meat processing company ang namimili din sa Padre Garcia. Kaya hindi nakakapagtakang ang kinain mong corned beef sa umaga ay isa ding Batangueño.

livestock auction market

image credit : padregarcia.net

Sikat din sa bakahan ang mga “koridor”, sila ang madalas may hawak ng tali o namamagitan/ahente sa pagitan ng mamimili at nagbebenta. (Kaya kung medyo kapos sa pera pwedeng makisideline, ingat lang dahil baka matapakan.)

Teka, pero bakit nga ga maputik? Siguro para makalublob ang mga kalabaw at iba pang hayop para di masyadong mahapo. Pinabababa ng putik ang tempaturang nararamdaman ng hayop dahil kapag di nakayanan ng kalabaw ang init siguradong tigok! (Duda din akong dito nagkapalit ng damit si Baka at Kalabaw!)

Ipinagdidiwang sa Padre Garcia ang taunang “KABAKAHAN Festival” para na din mapaunlad ang turismo .

Tags: , ,

About panjo

Panjo is a Business Management Graduate. He wastes his precious time writing fictions.

Subscribe

Subscribe to our e-mail newsletter to receive updates.

One Response to “Bakita nga ga maputik?”

  1. Norma July 23, 2011 at 11:53 am #

    Nalulugod ako at may isang katulad mo na nagpaparating sa lahat ng kagandahan ng ating bayan. Mabuhay at pagpalain ka ng Dios.

Leave a Reply